09
‘Disabled-friendly’ buildings hiling
by Mhike ·
Hinikayat kahapon ni Senator Manny Villar ang mga may-ari ng commercial establishments na gawing “disabled-friendly” ang kanilang mga gusali para maging maayos ang paggalaw ng mga may kapansanan.
Sinabi ni Sen. Villar, ang sinumang establisimiyento na susunod sa pagkakaroon ng structure na “disabled-friendly” ay bibigyan naman ng tax incentives.
Sa ilalim ng panukalang ito ay inaatasan ang Department of Public Works and Highways sa pakikipagtulungan ng Health department para magkatuwang na idisenyo ang pagkakaroon ng naturang mga gusali. (Ulat ni Rudy Andal)
